Ask me what??
Home
© 2010.Theme Still Here by I am 7th. Tumblr
You are My Life
About Me
I'm Geo (Geomar) Cordova
This is my page
Hope you'll like it
This are my art-works
At the same time my songs
Thanks from following me.ü
I have many achievements
I'm Proud
You know why??
Because you're the reason behind all of these
You're the one who inspires me
You're my Inspiration
You're the one I really love
I love You more than you know.
I really do...



Source: SoundCloud / Geo Cordova


Source: SoundCloud / Geo Cordova


Source: SoundCloud / Geo Cordova


Source: SoundCloud / Geo Cordova


Source: SoundCloud / Geo Cordova


Source: SoundCloud / Geo Cordova


Source: SoundCloud / Geo Cordova


Source: SoundCloud / Geo Cordova


Source: SoundCloud / Geo Cordova


Source: SoundCloud / Geo Cordova


Source: SoundCloud / Geo Cordova

Maskara - Isaac James David

Sa loob ng labing walong taong pamumuhay ko sa mundong ito, marami na ang aking nakasalamuha. Marami na akong nakilalang iba’t ibang klaseng tao. May masayahin, may makulit, may maarte, may magulo, may madrama, may maingay, lahat na yata? Sa dinami-rami ng mga taong nakilala ko, hindi ko na mawari kung sino ba ang totoong sila. Ano nga ba ang totoong nararamdaman nila? Kung masaya ang pinapakita nila, masaya nga ba talaga sila? Kung maarte sila? Ganoon ba talaga sila? Baka naman may dahilan kung bakit ganoon sila o dili kaya’y may dahilan kaya nagiging ganoon sila?

Iba-iba man ang katangian ng bawat isa, nakatawag pansin sakin ang mga kwelang tao, yung mga tipong “happy-go-lucky.” Minsan nga kahit dapat dibdibin ang isang kaganapan, eh tila wala pa ring epekto sa kanya. Syempre, dahil nga masaya siyang kasama, tawa ka lang ng tawa. Nakakatuwa nga naman kasi kapag may kaibigan kang nariyan para pasayahin ka. Para pangitiin ka. Buti nga siya naisipang pangitiin ang ibang tao eh. Pero naisip ko lang, siya kaya masaya? Masaya kaya siya dahil tunay na naging maganda ang araw niya? O masaya siya dahil gusto ka lang niyang pasayahin? Baka naman may tinatago din siyang sama ng loob pero ayaw lang niyang ipakita sa ibang tao na malungkot siya? Dahil nasanay tayong masaya siya, ayaw niyang  ipakita na siya ung nawawalan ng pag-asa. Di ba ang hirap kapag yung inaasahan mo ay hindi mo maasahan? Baka ayaw niyang maapektuhan ka.

Sabi nga sa isang quote na nabasa ko sa internet, “The prettiest smiles hide the deepest secrets. The prettiest eyes have cried the most tears and the kindest hearts have felt the most pain ”. Sa likod ng mga ngiti, may nagkukubling pighati. May kilala akong isang taong napaka-kwela pero sobra pala ang pinagdaanan niya. May linigawan siyang babae at tingin ko ay mahal na niya. Sa pagka-kwento niya sa akin, naramdaman ko naman yung sinseridad at dedikasyon niya doon sa babae. Dahil ginagabi si babae, hinihintay niya kahit anong oras man siya matapos, tapos ay ihahatid niya sa kanila. Napaka “gentle man” ni lalake. Sa sobrang pagmamahal niya kay babae, eh talo niya pa ang tunay na boyfriend sa pag-aalaga dito. Pero dumating yung oras na may nanligaw na isa pang lalake. Mas lamang kesa sakanya. Mas gwapo, mas matangkad. Ang sabi nga niya sa akin eh “CRUSH NG BAYAN”.  Kaya ayun, sa kabila ng mga nagawa ng kaibigan ko para kay babae, eh mukhang yung isa pa yung pinili niya. Hindi ko pa nakitang naging malungkot ang kaibigan kong ito, pero nung kinwento niya sa akin ang lahat, ramdam na ramdam ko na nasaktan siya ng sobra kaya pinalakas ko na lang ang loob niya. Baka kasi ano pa yung maisipan niyang gawin.

Minsan sa buhay, kailangan nating ikubli ang mga bagay bagay. Hindi natin kailangang ilantad sa buong mundo ang mga bagay na dapat ay pribado. Kailangan ikubli ang tunay nating nararamdaman  para lang hindi ka mapansin. May ibang tao kasi na iba kung maka-puna. Masama na nga ang loob mo eh parang lalo ka pang mawawalan ng pag-asa dahil sa mga kontrabida. Kayo na lang ang bahalang manghusga. Pero ako? Saludo ako sa taong naglalakas loob magsuot ng MASKARA para lang mapasaya ang iba, kahit nasasaktan na siya…

(Link: https://www.facebook.com/notes/isaac-james-david/maskara/3825139367399 )




Source: SoundCloud / Geo Cordova


Source: SoundCloud / Geo Cordova


Source: SoundCloud / Geo Cordova